BEST MEN

On April 5, 2011, BEST MEN, GMA News TV Channel 11’s newest Magazine Show catering to men aired an episode perfect for the start of the summer heat hosted by Jace Floers, RJ Ladesma and Jun Veneracion.

Together with my friend Joanna Magalong, we took Jace Flores and the GMA News TV production crew surfing at San Juan Surf School in La Union which our friend, infamous Billabong surfer Luke Ladrigan own. We also stayed at Thunderbird Poro Point for a while – What a majestic place!

Will have the video up soon as I receive a copy.

What: Best men
When: April 5, Tuesday, 8pm
Where: GMA News TV Channel 11

Show Synopsis:


“BABES ON THE WAVES”

Itodo na ang summer fun! Kaya naman ang ating destinasyon – isang probinsyang kilala sa naglalakihang alon na may lulan-lulang mga naggagandahang mga dalaga! Mas marami na raw ngayon ang bilang ng mga kababaihang nahuhumaling sa surfing kumpara sa mga kalalakihan!? Kaya naman siguro ang ibang mga kalalakihang nagpapakadalubhasa na lang sa pagsa-sight-seeing!? Isang grupo ng mga naggagandahan at nagseseksihang mga babaeng surfers na tinaguriang mga “Babes on the Waves” ang magpapakitang gilas at magsisilbing ring trainers ni Jace sa surfing!

“TUNAY NA LALAKE”

Psst. mga brad! Handa na ba kayong malaman kung tunay nga kayong mga macho’t barako!? Ang tanong. meron nga bang konkretong pagbabasehan!? Nahukay ni Jun V ang isang natatanging listahan! Ang mga nakatala na kaya sa tinatawag nilang “Manifesto ng Tunay na Lalake” ang magiging kasagutan? Siguradong magiging mainit ang talakayan! At sa huli, masasabi mo pa ba na ikaw ay isa ngang “Tunay na lalake?”

“THE BACHELOR”

Lampas na ba sa kalendaryo ang edad mo pare!? Pero nakatira ka parin kay mama’t papa, at nanatiling walang sariling pamilya? Huwag mag-alala. hindi ka nag-iisa! Ayon sa statiska, ang pagiging matandang binata tila nauuso na! Hmmm. Bakit kaya? Sa ilan, tinuturing itong isang sumpa, pero meron rin namang iba na hindi nagasasawa at tila nagpapakasasa sa pagkabinata! Samahan si Jace Flores na alamin at pag-aralan ang mundo ng mga matatandang binata!

“TOYS FOR THE BIG BOYS”

Etong si daddy, may mga chikiting na, laruan parin ang puntirya! Daang-daang mga robot, action figures, at iba pa, sa isang cabinet sila masinop na ihinihilera! Kung alagaan at bihisan sila, aba daig pa ang manika! Huwag ng magtangka kung wala kang bread, ang presyo ng bawat isang laruan ay talaga namang nakakalula! Kaya si misis, todo ang pagtitiis! Dahil sa hobby ni mister, ang pitaka’y lalong numinipis. Samahan si RJ Ledesma na alamin ang mga action at drama sa buhay ng mga toy collectors na tulad rin niya!

“SHOPPING-HERO” – Swimwear edition

Handa ka na bang maging isang “Shopping-Hero” ng iyong honeybunch ngayong summer!? Tapusin na ang mga dyahe moments with the sales-ladies! Mga pare, lamang ang may alam! Kaya naman, hatid ni RJ ang mga tips na kailangang malaman para maging swabe ka sa shopping-an para sa iyong love one!

BEST MEN Opening Billboard.

Since  I barely watch TV, I heard from friends that the segment was shown from April 5-8, 2011 on different time slots. We’re glad the crew enjoyed the beach as much as we did – It was great seeing old friends and meeting new ones again.

Aside from running, Let’s Surf!

Has one comment to “BEST MEN”

You can leave a reply or Trackback this post.

Leave a Reply